Pagsisiwalat ni Pacquiao ng mga ebidensya sa korupsyon sa pamahalaan, pababayaan ng Malakanyang

By Chona Yu July 22, 2021 - 03:10 PM

Pababayaan na lamang ng Palasyo ng Malakanyang si Senador Manny Pacquiao na mag-presenta ng mga ebidensya kaugnay sa umanoý korupsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque,  isang malayang bansa ang Pilipinas at maaring gawin ni Pacquiao ang mga nais na gawin.

Una rito, sinabi ni Pacquiao isisiwalat niya ang mga ebidensya kapag nakauwi na sa bansa sa Agosto.

Nasa Amerika ngayon si Pacquiao at abala sa pagsasanay para sa nalalapit na laban sa boksingering si Errol Spence sa Agosto 21 sa Las Vegas, Nevada.

Well, pabayaan po natin si Senator Pacquiao kung anong gusto niyang isiwalat ‘no. It’s a free country. Pero sa ngayon po kaisa nila kami, kaisa niya ang buong sambayanang Pilipino in wishing him good luck sa padating na laban niya,” pahayag ni Roque.

 

 

TAGS: korupsyon, Presidential spokesman Harry Roque, Senador Manny Pacquiao, korupsyon, Presidential spokesman Harry Roque, Senador Manny Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.