12 na bagong kaso ng Delta variant naitala sa Pilipinas

Labing-dalawang bagong local cases ng Delta variant ng COVID-19 ang nadagdag sa talaan sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, sa kabuuan nasa 47 na ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.

Ayon sa DOH, tatlong bagong kaso ng Delta variant ang naitala sa Metro Manila, anim sa Region 3, dalawa sa Calabarzon at isa sa Region 5.

Nabatid na sa 47 na Delta variant cases, 36 ang naka-rekober habang tatlo ang nasawi.

 

 

Read more...