Kapatid ni Boy Abunda, lumipat ng suporta kay Sen. Bongbong Marcos

 

Mula sa Wikipedia

Isa pang miyembro ng Liberal Party ang naglaglag sa kandidatura ni vice presidential aspirant Leni Robredo.

Ito ay matapos suportahan ni Borongan City, Samar Mayor Maria Agnes Abunda ang kandidatura ni vice presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos.

Si Abunda ay kapatid ni tv host Boy Abunda na matalik na kaibigan ni presidential sister Kris Aquino.

Ayon kay mayor Abunda, kaya niya sinuportahan si Marcos ay dahil sa dami ng nagawa ng pamilya nito sa Samar at Leyte.

Halimbawa na lamang aniya ang makasaysyang tulay ng San Juanico na nag uugnay sa Leyte at Samar.

Napatunayan din aniya ni Marcos ang sariling tatak ng pagbibigay serbisyo publiko.

Bukod kay mayor Abunda, nagpahayag na rin ng pagsuporta kay Marcos ang mag-asawang Congresswoman Lucy Torres at Richard Gomez na miyembro rin ng LP.

Read more...