Pagkasa ng ‘all-net mobile phone number’ na isinulong ni Sen. Win Gatchalian malapit na

Senate PRIB photo

Makalipas ang dalawang taon na pagpupursige, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na nalalapit nang matupad ang inter-operability ng cellphone numbers.

Ibinahagi ni Gatchalian na natapos na ng tatlong major telco players ang initial testing ng kanilang technical capabilities at inter-operability.

Ayon pa sa senador  nais niyang matupad ang pangako ng tatlong telco players na mangyayari ito sa darating na Setyembre 30.

Inulit nito na layon ng kanyang Mobile Number Portability Act na mapanatili ng subscriber ang kanilang mobile number kahit magpalit pa sila ng telco at hindi na rin sila sisingilin ng interconnection fees sa pagtawag at pag-text.

“Malaking kaginhawaan ito lalo na sa mga gustong magpalit ng service provider para sa mas maayos na serbisyo pero ayaw bitawan ang kanilang mobile subscriber number. Malaking abala para sa iba ang pagpapalit ng kanilang numero lalo na kung matagal na nilang gamit ito,” aniya.

Dagdag pa ni Gatchalian maari din mapaganda pa nito ang serbisyo ng mga telcos.

Read more...