Babaeng Hapones, huli sa pekeng P500, P200

 

Inquirer file photo

Arestado ng mga elemento ng Pasay City Police ang isang babaeng Hapones at live-in partner nito dahil sa paggamit ng pekeng pera.

Una rito, nasita ang suspek na si Yuki Koguchi ng Tokyo, Japan at Abdul Datumanong ng Sitio Imelda, Taguig City dahil sa paggamit ng pekeng P500 para bumili ng mga damit malapit sa Baclaran Market.

Gayunman, napansin na ng tinder na peke ang perang ibinayad ng mga ito sa kanya kaya’t tumawag ito ng mga pulis. Nang siyasatin, nakuha pa sa dalawang suspek ang isang wallet na naglalaman ng mga pekeng P500 at P200 na umaabot sa halagang P10,400.

Dahil dito, sasampahan ng kasong estafa at illegal possession ang use of false treasury and bank notes ang dalawang suspek.

Read more...