Magnolia sumalo sa liderato sa 2021 PBA Philippine Cup; Northport wagi kontra Phoenix

By Jan Escosio July 21, 2021 - 09:32 PM

Naitakas ng Magnolia Hotshots ang isa pang dikit na panalo nang talunin ang Alaska, 84-82, sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

Mula kay Paul Lee naipasok ni Ian Sangalang ang isang buzzer-beater shot at sumalo ang Magnolia sa Meralco at Rain or Shine sa liderato, 2-0.

 

Binanderahan ni Sangalang ang Magnolia sa kanyang 26 puntos, samantalang si Lee ay gumawa ng 16 puntos.

 

Samantala, sa unang laro, bumawi ang Northport mula sa nakakadismayang first game at ipinalasap naman sa Phoenix ang pangalawang kabiguan, 115 – 79.

 

Nagpakalat ng 20 puntos ang nagbalik na si Robert Bolick, gayundin sina Kevin Ferrer at rookie Troy Rike.

 

Hindi pa rin nakapaglaro si Greg Slaughter para sa Batang Pier sa katuwiran na wala pa ito sa kondisyon, ayon kay coach Pido Jarencio.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.