India, ipinagbawal ang pag-angkat ng ilang produkto mula China

By Kathleen Betina Aenlle April 26, 2016 - 04:16 AM

 

cellphonesIpinagbawal na ng India ang pag-iimport ng ilang milk at milk products, ilang mobile phones at iba pang mga produkto mula sa China matapos itong madiskubreng sub-standard o hindi sumusunod sa mga security codes.

Ayon kay Commerce Minister Nirmala Sitharman, banned na sa Lok Sabha sa India ang pag-aangkat ng milk at milk products mula China dahil hindi umano katanggap-tanggap ang kalidad ng mga ito.

Aniya pa, may ilang namang mobile phones na walang International Mobile Station Equipment Identitiy number o iba pang security feateures, ang ipinagbawal na ring i-angkat, pati na rin ang ilang produktong bakal.

Hindi naman aniya pinapayagan ang complete ban ng import mula sa anumang bansa alinsunod sa WTO rules, kahit pa mayroon silang problema sa diplomasya, teritoryo, militar at iba pa.

Nananatili sa USD 48.68 billion ang trade deficit ng India sa China mula April 2015 hanggang February 2016, at ang total bilateral trade ay nasa USD 65.16 billion noong mga panahong iyon.

Ayon pa kay Sitharman, ang tumataas na trade deficit sa China ay dahil ang mga ine-export ng China sa India ay nakadepende sa manufactured items para matugunan ang demand ng mga lumalawak na sektor tulad ng telecom at power, habang ang export naman ng India sa China ay binubuo lang ng mga intermidiate na produkto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.