1st rehearsal sa huling SONA ni Pangulong Duterte; Mayor Sara Duterte absent sa last SONA ng ama

By Chona Yu July 21, 2021 - 04:06 PM

Ngayon araw ay magkakaroon ng unang rehearsal si Pangulong Duterte para sa kanyang pang-anim na State of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes.

Kasabay nito, nag-abiso na si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi makakadalo sa huling SONA ng ama at ayon sa Malakanyang walang ibinigay na dahilan ang kampo ng presidential daughter.

Ibinahagi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na mismong si Pangulong Duterte na ang nagbabago sa laman ng kanyang huling SONA.

Ibinahagi ni Roque na ilalatag ng Punong Ehekutibo ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na limang taon.

Sesentro, ayon kay Roque, sa naging pag-unlad ng bansa, sa mga nagawang imprastraktura at relasyon-panglabas ng Pilipinas ang huling pag-uulat sa bayan ni Pangulong Duterte.

Ipapaliwanag din ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas at ang kinahaharap ng bansa.

Sa Mababang Kapulungan ay sasailaim sa COVID 19 test ang mga dadalo, na mula sa 50 noong nakaraang taon ay pinalobo sa 350 ngayon taon.

Hindi pa rin nakakatiyak si Roque kung sino sa mga dating pangulo – Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Arroyo, ang makakapunta sa Batasang Pambansa sa Lunes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.