Hindi inalintana ang tuloy-tuloy na pag-ulan at nagtiyagang nakababad sa baha ang maraming nagpunta sa San Andres Sports Complex sa Maynila para maturukan ng COVID 19 vaccine.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi din niya ipinatigil ang vaccination rollout dahil sa dami ng mga nagpunta sa San Andres Sports Complex simula pa ala-6 ng umaga.
Naka-usap ng Radyo Inquirer Online si Ana Michelle Malonzo at sinabi nito na hindi siya nagpatinag sa ulan at baha dahil kailangan niyang mabakunahan para sa trabaho.
Bukod dito,sinabi pa ni Malonzo na mahalaga rin ang bakuna para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID 19.
Ibinahagi naman ni Domagoso na higit isang milyon na ang nabakunahan na sa lungsod, kabilang ang mga hindi Manilenyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.