50 @ 50: Giannis Antetokounmpo gumawa ng 50 puntos para ihatid sa Bucks ang NBA crown

By Jan Ecosio July 21, 2021 - 02:57 PM

Makalipas ang 50 taon tinanghal ng NBA champions ang Milwaukee Bucks at ito ay bunga ng 50 puntos na ginawa ni Giannis Antetokounmpo.

Sa Game 6 ng NBA Finals series ng Bucks at Phoenix Suns, kumayod ng husto si Antetokounmpo para tiyakin na wala ng mangyayaring ‘do-or-die game’

Tinalo ng Bucks ang Suns, 105 – 98 at si Antetokounmpo ang tinanghal an series’ MVP

“I’m so blessed to work with Giannis every day. He’s a special human being, he’s an even more amazing human being than he is a player. I’ve learned so much from him and his leadership ” ang sabui ni Bucks head coach Mike Budenholzer.

Hanggang sa simula ng huling yugto ng laban ay naging determinado pa ang Suns na magkaroon ng Game 7 at lumamang pa, ngunit hindi nila kinayang tapatan ang determinasyon ni Antetokounmpo.

Sa unang yugto ay ipinaramdam na ng Suns ang kanilang misyon, ngunit hindi nila naputol ang tatlong sunod na panalo sa serye.

Magugunita nakuha ng Suns ang unang dalawang panalo sa serye, ngunit nagbago ang lahat nang lumipat ang laro sa teritoryo ng Bucks sa Game 3.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.