Naniniwala ang Malakanyang na kumikilos si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario laban sa posibleng tambalang Duterte – Duterte sa eleksyon sa susunod na taon.
Ang paniniwalang ito ni Presidential spokesman Harry Roque ay base sa paghimok ni del Rosario sa publiko na ang iboto sa papalapit na eleksyon ang mga kandidatong tunay na nagmamalasakit sa bansa at hindi sa China.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ikinukunsidera niya ang pagtakbo sa vice presidential race sa katuwiran na marami pang programa ang kinakailangan na ipagpatuloy.
Naniniwala ito na kapag naging bise-presidente siya ay hindi mapuputol ang mga nasimulang programa.
Patuloy na umuugong ang tambalan ng mag-amang Pangulong Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte para sa 2022 national election.