Luzon, Western Visayas uulanin dahil sa bagyong Fabian, habagat at LPA

Malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas ang makakaranas ng pag-ulan maghapon ngayon araw ng Miyerkules dahil naaapektuhan ng bagyong Fabian at low pressure area (LPA) ang habagat.

 

Huling namataan si ‘Fabian.’ 740 kilometro hilaga-silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 160 kilometro kada oras.

 

Inaasahan na sa Sabado pa ito lalabas ng PAR.

 

Samantala, ang severe Tropical Storm Cempaka naman na nasal abas pa ng Philippine area of responsibility (PAR) ay namataan sa distansiyang 1,090 kilometro kanluran ng dulo ng Northern Luzon.

 

Bunga nito, magiging maulan maghapon sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Northern Palawan kasama na Calamian Islands.

 

Samantalang, ang natitirang bahagi ng Luzon at Westen Viasayas ay magiging maulap.

 

Nagpalabas din ng gale warning ang PAGASA sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Island, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island dahil sa taas ng alon na umaabot hanggang dalawang palapag ng gusali.

 

Read more...