Sen. Kiko Pangilinan sinabing dapat tumaas ang 2022 budget ng Philippine Coast Guard

By Jan Escosio July 21, 2021 - 09:32 AM

PHILIPPINE COAST GUARD PHOTO

Hiniling ni Senator Francis Pangilinan ang mas mataas na budget para sa Philippine Coast Guard (PCG) sa susunod na taon kasunod nang pagpapataboy sa isang Chinese Navy warship sa West Philippine Sea kamakailan.

Ayon kay Pangilinan kailangan ang mas mataas na pondo para masuportahan ng husto ang pagpapatrulya sa West Philippine Sea at upang mapangalagaan ang mga mangingisdang Filipino at teritoryo ng bansa.

“Ang galing ng ating David sa kanilang Goliath. Super lodi ang ating Coast Guard lalo na’t limitado ang kanilang resources. Kailangang bigyan sila ng saktong budget para mas marami pa silang matulungan,” ang puri ng senador sa PCG.

Kahanga-hanga aniya ang paninindigan ng mga tauhan ng BRP Cabra nang makita ang Chinese Navy warship sa Marie Louise Bank noong Hulyo 13.

Puna ng senador bumaba pa ang 2021 budget ng PCG sa P13.2 bilyon mula sa P15.22 bilyon noong 2020.

“Biruin nyo, 80% ng ating territoryo ay mga katubigan ngunit kakarampot lamang ang budget upang protektahan ito. Pinagkakasya lang ng ating mga magigiting na Coast Guard. Supporting the Coast Guard means supporting our stand on the West Philippine Sea,” ayon pa kay Pangilinan, na nangako na susuportahan niya ang mas mataas na 2022 budget ng PCG sa nalalapit na deliberasyon sa Senado para sa 2022 General Appropriations Act.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.