Face-to-face classes sa low-risk island provinces pinatitingnan ni Sen. Francis Tolentino
Sa pagsisimula muli ng mga klase sa Setyembre, itinutulak ni Senator Francis Tolentino ang dahan-dahang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga low risk island provinces sa bansa.
Binanggit ni Tolentino ang mga lalawigan ng Guimaras, Biliran, Batanes at Camiguin, na may mababa o walang kaso ng COVID 19, na maaring payagan ng gobyerno na magsagawa na ng face-to-face classes.
Diin niya ipapatupad pa din naman ang minimum health protocols sa mga guro at estudyante.
Paniwala ng senador bumaba talaga ang antas ng nakuhang edukasyon ng mga bata sa isang buong taon ng pagkasa ng distance learning system.
Binanggit din ni Tolentino na maging ang online at modular learning ay hindi naging epektibo dahil naman sa isyu sa internet connection sa bansa.
“It should not be a total online-hybrid modality… it won’t work, it never works,” saad ni Tolentino.
Dagdag katuwiran pa niya may mga guro na rin naman ang nabakunahan na kayat dapat ikunsidera na rin ng gobyerno ang pagpayag na magbalik na ang face-to-face classes sa mga ligtas na low-risk areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.