Dagdag na 5,240 gumaling, 58 namatay sa COVID 19 cases sa Pilipinas

By Jan Escosio July 20, 2021 - 10:16 PM

Nasa 1,517,903 na ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID 19 sa pag-anunsiyo ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 4,516 ngayon araw ng Martes.

May 755 naman ang nabawas sa mga aktibong kaso o 46,806 mula sa naitalang 47,561 kahapon.

Ang bilang ng aktibong kaso ay 3.1 porsiyento ng kabuuang bilang.

Umangat naman sa 1,444,253 ang kabuuang bilang na ng gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 5,240.

Samantala, 26,844 na ang namatay sa sakit matapos madagdagan naman ng 58.

Sampung laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng resulta ng mga isinagawa nilang tests.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.