4,516 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas

By Chona Yu July 20, 2021 - 06:33 PM

Aabot sa 4,516 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, July 20.

Ayon sa Department of Health, nasa 1.517 milyon na ang kabuuang bilang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 46,806 ang aktibong kaso.

Aabot naman sa 58 ang nadagdag na bilang sa mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 26, 844 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Nasa 1.444 milyon naman ang gumaling at nakarekober sa naturang sakit.

 

TAGS: COVID-19, department of health, COVID-19, department of health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.