Pangulong Duterte saludo sa mga sakripisyo ng mga Muslim

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Muslim sa pagdiriwang ng Eid’d Adha o Feast of the Sacrifice.

Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na mahalagang okasyong ito ay patuloy na nagsisilbing testament sa hindi matatawarang pananampalataya ng Muslim community.

Nagsisilbi aniya itong paalala  sa sangkatauhan na kahit pa sa gitna ng mga hamon at pagsubok sa buhay, may malaking  kahulugan at halaga ang ating mga sakripisyo.

Umaasa ang Pangulo na matatagpuan ng mga Muslim ang bagong pananalig tulad ng ipinakitang debosyon ni Ibrahim sa kaniyang paniniwala.

“It is my sincere hope that our Muslims brothers and sisters will find renewed faith and spirituality, especially when called to emulate Ibrahim’s devotion to his belief. I stand in solidarity with you in pursuing our shared goal of building a society that transcends religious, political, and cultural barriers,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo nakikiisa siya sa pagsusulong ng kaparehong layunin ng mga Muslim na itaguyod at isulong ang isang mapayapang lipunan, at malagpasan ang alinmang hadlang sa relihiyon, political at kultura.

““This significant occasion continues to serve as a testament to the unyielding faith of the Muslim community. Its narrative remains a fervent remainder to the people that, even amid life’s difficulties and challenges, our sacrifices have profound value and meaning,”  pahayag ng Pangulo.

 

Read more...