Rep. Rodriguez, humingi na ng tulong kay Pangulong Duterte para sa mga apektado ng ECQ sa CDO
Humingi ng financial aid si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa naturang probinsya bunsod ng naitalang mga kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Sa 11 kaso ng Delta variant, lima ang naitala sa CDO habang isa sa Misamis Oriental.
Sa liham ng mambabatas, humiling ito na mabigyan ng pamahalaan ng P6,000 ayuda ang bawat pamilyang apektado ng lockdown dahil sarado ang mga hanapbuhay at negosyo.
Dahil sa ECQ, hindi sapat ang kinikita ng mga residente dahil kailangang manatili lamang sa bahay
Bukod sa Punong Ehekutibo, nagpadala rin ng liham ang mambabatas kay DSWD Secretary Rolando Bautista para sa mabilis na pamamahagi ng cash assistance sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.
Tatagal ang ECQ sa CDO hanggang July 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.