PCG, nagbabala vs pekeng website

PCG photo

Nagbigay ng babala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko ukol sa isang pekeng website.

Tinukoy ng ahensya ang website na:
https://www.philippinesvisa.com/electronic-case…/

Ayon sa PCG, nag-aalok ang naturang website ng COVID-19 RT-PCR tests sa mga international traveler pagkadating sa Pilipinas.

Sinabi ng pekeng website na mga PCG medical personnel ang nagsasagawa ng test para sa hindi tinukoy na halaga.

Ayon sa PCG, hindi ito totoo at hindi awtorisado ng ahensya ang naturang website.

“All concerned are enjoined to be vigilant and not fall into said unauthorized claim. Kindly please disseminate widely to protect our innocent Kababayans and other international travelers,” saad ng PCG.

Sakaling mabiktima nito, agad i-report sa PCG TASK FORCE BAYANIHAN RETURNING OVERSEAS FILIPINOS (TF-BROF) sa cellphone o viber number na 0915-088-5276.

Nakikipag-ugnayan ang naturang task force sa One-Stop-Shop for the Management of Returning Overseas Filipinos (OSS-MROF) ng Department of Transportation – Philippines (DOTr).

Read more...