Biometrics panlaban sa banking fraud ayon sa isang Kongresista

By Isa Avendaño-Umali April 25, 2016 - 08:22 PM

FILE - In this Saturday, Jan. 5, 2013 file photo, a person inserts a debit card into an ATM in Pittsburgh. Security experts say consumers still need to keep a close eye on their checking and savings, as epic computer breaches are becoming all too common. (AP Photo/Gene J. Puskar, File)
Inquirer file photo

Hinikayat ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga bangko sa bansa na magkaroon ng biometrics para sa kanilang mga customer.

Ito’y kasunod ng nangyaring ‘Comeleak’ o pagkakalantad ng mga sensitibong impormasyon ng mga botante na rehistrado sa Commission on Elections.

Ayon kay Romualdez, na minsang naging chairman ng isang dating malaking bangko, upang makaiwas sa banta na manakaw ang pinaghirapang pera ng mga depositors ay dapat magpatupad ang mga bangko ng mas mahigpit na customer identification validation system sa pamamagitan ng biometrics.

Ani pa Romualdez, dahil sa nangyaring Comeleak, ang mahahalagang personal na impormasyon ng milyon milyong botante ay nalantad na sa panganib ng identity theft.

Paalala ng Kongresista, sa pamamagitan lamang ng mga nasabing impormasyon ay pwede nang magpagawa ng pekeng ID at maaari namang magamit ng mga kriminal o sa modus.

Kaya payo ni Romualdez, dapat maging mabilis ang monetary officials at pamunuan ng mga bangko sa pagpapatupad ng safeguards na magbibigay proteksyon sa kanilang mga kliyente gaya ng depositors at credit card users.

Pinayuhan din ni Romualdez ang publiko na huwag ng gumamit ng kanilang personal na impormasyon bilang password sa bangko o credit cards.

TAGS: biometrics, comeleak, Romualdez, biometrics, comeleak, Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.