#FabianPH, halos hindi kumilos habang napanatili ang lakas
Halos hindi kumilos ang Severe Tropical Storm Fabian habang napanatili ang lakas.
Base sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 4:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,075 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon dakong 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Sa ngayon, walang lugar sa bansa na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal.
Ayon sa PAGASA, patuloy na makararanas ng mabigat na buhos ng ulan ang bansa.
Dahil sa Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong Fabian at Tropical Storm CEMPAKA sa labas ng bansa, iiral ang monsoon rains sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan sa susunod na 24 oras.
Sa susunod na 12 oras, sinabi ng weather bureau na magsisimulang kumilos ang bagyo sa direksyong west northwestward.
Dahil dito, posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng hapon o gabi, July 22.
Dagdag ng PAGASA, posible pang lumakas at umabot sa typhoon category ang bagyo sa Martes ng hapon o gabi, July 20.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.