Abaya sa mga kritiko: Ginawa ko ang lahat para sa DOTC

By Den Macaranas April 25, 2016 - 08:17 PM

Jun Abaya
Inquirer file photo

Sa kabila ng mga batikos ay nagawa pa ring ipag-malaki ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Sec. Jun Abaya ang kanyang mga accomplishments sa kagawaran.

Ayon sa Kalihim, wala namang bago sa mga ginawang pagbanat sa kanya ng mga presidential aspirants dahil matagal na nilang ginawa ang mga ipina-pangakong gagawin ng mga ito kapag sila ang naluklok sa pwesto.

Sinabi ni Abaya na matagal ng nakalatag ang proyekto tulad ng dagdag na mga bagon para sa MRT at LRT lines, bagong mga kalsada at maayos na sistema sa daloy ng trapiko.

Sa kanyang pahayag, ipinag-malaki rin ni Abaya na sa ilalim ng kanyang pamamahala nagkaroon ng maayos na sistema sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pabor din ang Kalihim sa panukala ni dating Sec. Mar Roxas na pag-isahin na lamang ang DOTC at DPWH.

Aminado rin si Abaya na maswerte ang susunod na administrasyon dahil sila ang makikinabang ng mga pagbabagong sinimulan ng kasalukuyang pamahalaan.

TAGS: Abaya, DOTC, DPWH, LRT, MRT, Abaya, DOTC, DPWH, LRT, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.