Higit 1-M katao sa Maynila, nabakunahan na vs COVID-19

Manila PIO photo

Umabot na sa mahigit isang milyong katao ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Maynila simula nang ilatag ang vaccination rollout noong Marso.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, sa naturang bilang, 657,748 ang nakatanggap ng first jab habang 342,273 na ang fully vaccinated.

“Sama-sama tayo na makipaglaban at proteksyunan ang bawat isa sa atin, bawat tao, hindi lang dahil tayo ay tiga-Maynila, kung hindi bawat mamayaman,” pahayag ni Mayor Isko.

Apela ni Mayor Isko sa publiko, magtiwala sa bakuna.

“Huwag tayong matatakot. Huwag tayong susuko. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Mananalo tayo. Siguradong mananalo tayo,” pahayag ng Mayor.

Patuloy aniyang pagsusumikapan ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng pag-asa ang mga taga-Maynila na makabalik na sa normal na pamumuhay.

“Magtulong-tulong tayo. Tayo rin ang magkikita sa finals. Isang bangka lang tayo, wala ng iba,” pahayag ni Mayor Isko.

Read more...