Mister ni Poe tinalikuran ang pagka-Amerikano sa harap ng Barangay Chairman

By Den Macaranas April 25, 2016 - 08:13 PM

LLamanzares
Photo: Sen. Grace Poe’s office

Naglabas ng mga patunay ang kampo ni Sen. Grace Poe kaugnay sa ginawang renunciation ng nationality at U.S citizenship ng kanyang mister na si Teodoro Misael Daniel “Neil” Llamanzares.

Sa huling presidential debate kahapon ay sinabi ni Poe na tinalikuran na ni Llamanzares ang kanyang pagiging Amerikano at muling nanumpa ng katapatan sa Pilipinas.

Ayon kay Poe, “Ni-renounce na po, siguro mga isang buwan na ang nakalipas pero siya ay talagang Pilipino na ipinanganak ng mga magulang na Pilipino. Yan po ay para lang mawala ang duda pero siya po ay natural born”.

Pero sa kanilang inilabas na mga larawan, nanumpa ng katapatan sa bansa si Llamanzares sa harap ni Greenhills Barangay Chairman Carlos Tañada Yam sa San Juan City noong April 7.

Sa website ng U.S Embassy sa Maynila, kanilang ipinaliwanag na pwedeng mawala ang pagka-Amerikano ng isang U.S citizen kung siya ay manunumpa ng allegiance o katapatan sa ibang bansa tulad ng Pilipinas o kaya ay sa isang tinatawag na political subdivision.

“He’s actually a Filipino citizen, a natural-born Filipino citizen. Pero para maalis na lang ‘yung duda, ginawa niya ‘yung proseso na ‘yon”, dagdag pa ni Poe.

TAGS: ghreenhills, llamanzares, poe, Presidential debate, ghreenhills, llamanzares, poe, Presidential debate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.