Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 191.23 milyon

Pumalo na sa 191.23 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 191,230,672 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,963,907 cases.

Sumunod na rito ang India na may 31,144,229 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 19,376,574 naman ang kaso sa Brazil habang 5,958,133 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 5,867,730
– Turkey – 5,529,719
– United Kingdom – 5,433,939
– Argentina – 4,756,378
– Colombia –  4,639,466
– Italy – 4,287,458
– Spain – 4,100,222
– Germany – 3,752,219
– Iran – 3,523,263

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,105,847 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 174,183,183 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...