DepEd nilinaw ang paggamit sa public schools bilang isolation facility

By Jan Escosio July 19, 2021 - 01:49 PM

Nagpalabas ang Department of Education (DepEd) ng regulasyon kaugnay sa paggamit ng mga pampublikong eskuwelahan bilang COVID 19 isolation facility kasabay nang pagsasa-ayos sa pasilidad pang-edukasyon.

Sa inilabas na memorandum ni Sec. Leonor Briones, ipinagbilin nito sa mga opisyal ng paaralan na tumanggi na magamit ang kanilang eskuwelahan bilang COVID 19 facility kung may gagawing konstruksyon o pagsasaayos ng pasilidad.

Aniya kung kasalukuyang ginagamit nang isolation facility at may ikakasang konstruksyon, dalawa aniya ang maaring gawin.

Una ay pakiausapan ang lokal na pamahalaan na ilipat ang COVID 19 patients sa ibang lugar o kung maaaris naman ay ihiwalay ang ginagamit na pasilidad sa gusali o imprastraktura na gagawin o itatayo.

“The Department is one with the national effort to curb the surge of COVID-19 cases and hopefully putting an end to the pandemic. However, we must also ensure that the needs of learners are met including the establishment of adequate, safe, and conducive learning facilities, as mandated” sabi naman ni Undersecretary for Administration and DepEd Task Force COVID-19 Chair Alain Del B. Pascua.

Inaasahan na sa ngayon ay maaring magsimula na ang mga paggawa sa mga eskuwelahan dahil na rin sa kinakailangan nang magamit ang nailaan na pondo.

Ilang eskuwelahan ang ginagamit ng LGUs na isolation facilities o vaccination hubs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.