2 Aetas na inasunto sa Anti-Terror Law pinalaya ng korte

July 19, 2021 - 12:44 PM

JOANNA ROSE AGLIBOT PHOTO

Ipinag-utos ng isang korte sa Olongapo City ang pagpapalaya sa dalawang Aetas na kinasuhan ng paglabag sa Anti Terrorism Act of 2020.

 

Ibinasura ni Judge Melani Fay Tadili, ng Olongapo City RTC Branch 97, ang mga kasong paglabag sa Anti-Terror Law at illegal possession of firearms and explosives kina  Japer Gurung at Junior Ramos dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

 

Inaresto sina Gurung at Ramos sa kanilang pagtakas kasama ang kanilang pamilya para hindi madamay sa pagpapalitan ng mga putok ng mga sundalo at rebelde sa Zambales noong nakaraang Agosto.

 

Namatay ang isang sundalo sa engkuwentro.

 

Pinakinggan ng korte ang depense ng Public Attorney’s Office na nabigo din ang mga sundalo na positibong kilalanin sina Gurung at Ramos na siyang namaril sa kanila.

 

“After a careful examination of the records, the Court holds that the prosecution failed to discharge the burden of proving the identities of the accused as the perpetrators of the crime of violation of Section 4 of Republic Act 11479. Thus, the case for violation of this law against the accused must be dismissed,” ayon sa korte.

Sinabi din ng korte na ilegal ang pag-aresto sa dalawa at hindi katuwiran ang pagtakbo nina Gurung at Ramos para sila ay arestuhin.

Hindi rin tinanggap ng korte na ebidensiya ang mga nakuhang baril, mga bala, Granada at gamit sa paggawa ng pampasabog.

Tinanggap naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF – ELCAC) ang desisyon ng korte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.