Cavite Gov. Jonvic Remulla iwas muna sa opisina, 4 tauhan tinamaan ng COVID 19

By Jan Escosio July 19, 2021 - 10:16 AM

Naghahanap na si Cavite Governor Jonvic Remulla ng alternatibong opisina matapos ianunsiyo na hindi na muna siya papasok sa Kapitolyo matapos mag-positibo sa COVID 19 ang apat sa kanyang mga tauhan.

Sa kanyang anunsiyo sa Facebook, sinabi ni Remulla na ang dalawa sa nagkasakit niyang staff ay fully vaccinated na at ang isa naman ay naka-first dose na.

Ito ang dahilan kayat naghahanap siya ng alternatibong opisina habang hinihintay na matapos ang safety quarantine ng 75 porsiyento ng empleado ng kapitolyo.

Ibinahagi din nito na dalawa sa kanyang may-sakit na staff ay nagpapakita ng moderate symptoms at isa ay nahawaan na niya ang kanyang buong pamilya.

Kasabay nito, umapila si Remulla sa gobyerno na bigyan pa sila ng karagdagang bakuna at aniya higit 100,000 sa naka-first dose ay naantala na ang kanilang second dose.

Kinakailangan aniya na mabakuhan ang 3.1 milyon sa kanyang mga kababayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.