Dating U.S Senator ikakasal sa kapwa lalaki

By Den Macaranas April 25, 2016 - 05:26 PM

Harris WoffardMakaraan ang halos ay dalawampung taon mula nang siya’y mabalo ay muling magpapakasal ang 90-year-old na si dating U.S Senator Harris Wofford.

Sa pagkakataong ito ay hindi babae kundi kapwa lalaki ang kanyang pakakasalan sa isang simpleng seremonya na gaganapin sa Sabado sa Florida.

Sa kanyang column sa New York Times, ikinuwento ni dating Sen. Woffard kung paano niya nakilala ang kanyang magiging mister na si Matthew Chalton, 70-anyos.

Nakilala niya si Chalton sa isang speaking engagement sa Florida labing-limang taon na ang nakalilipas at mula noon ay naging magkaibigan na sila.

Sinabi pa ni Woffard na naging tapat siyang mister sa kanyang dating misis na si Claire at nagsama sila sa loob ng 48 taon bago ito namatay dahil sa sakit noong 1996.

Makaraang mamatay ang kanyang misis ay hindi na siya muling umibig muli hanggang sa makilala niya ang kanyang magiging mister na si Matthew.

Ang same-sex marriage ay pinapayagan na ngayon sa maraming estado sa U.S makaraan itong pagtibayin ng kanilang Mataas na Hukuman.

Bago naging kinatawan ng Pennsylvania sa Senado mula taong 1991 hanggang 1995, si Woffard ay naging special assistant for civil rights ni dating U.S President John F. Kennedy at naging adviser din ni Martin Luther King Jr.

TAGS: harris woffard, pennsylvania, Senator, U.S, harris woffard, pennsylvania, Senator, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.