Tokyo Olympic Stadium ‘bininyagan’ ng rape ng isang foreign student worker

By Jan Escosio July 19, 2021 - 09:37 AM

Ilang araw bago ang pagsisimula ng 2020 Tokyo Olympics, inaresto ng awtoridad ang isang 30-anyos na Uzbek national dahil sa panggagahasa diumano sa isang babaeng Japanese sa Tokyo Olympic Stadium.

Nabatid na ang suspek na si Davronbek Rakhmatullaev, ay isang estudyante at ang hindi na kinilalang biktima ay kapwa part-time worker sa stadium.

Nangyari ang diumanoy panghahalay matapos panoorin ng dalawa ang rehearsal ng Olympic opening ceremony.

Itinanggi ng suspek ang alegasyon at sinabing hindi naman pumalag ang biktima.

Sa darating na Biyernes gaganapin ang opening ceremony at pinagbawalan na ang miron sa main stadium para makaiwas sa hawaan ng COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.