May isang kumpirmadong kaso na ng COVID 19 Delta variant sa Taguig City.
Ayon kay Clarence Santos, ang namumuno sa Taguig Safe City Task Force, ang kaso ng Delta variant ay kabilang sa huling 73 bagong kaso ng COVID 19 na naitala sa lungsod base na rin sa ulat ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit noon Hulyo 12.
Wala pang kumpirmasyon mula sa DOH kung ang Delta variant case sa lungsod ay kabilang sa 16 na kaso sa bansa na inanunsiyo ng kagawaran noong nakaraang Biyernes.
Idinagdag pa ni Santos na may 26 kaso din ng Alpha variant at 46 kaso ng Beta variant sa lungsod.
Sa 16 kaso ng Delta variant sa bansa, anim ang naiulat sa Northern Mindanao, dalawa sa Metro Manila, isa sa Central Luzon at dalawa sa Western Visayas.
Ang lima pang kaso ay sinasabing pawang returning overseas Filipinos.