Napanatili ng tropical storm Fabian ang lakas habang mabagal na kumikilos sa Philippine Sea.
Ayon sa Pagasa, namataan ang tropical storm sa 1,100 kilometers East Northeast ng Extreme Northen Luzon.
Taglay ng tropical storm Fabian ang hangin na 65 kilometers per hour at pagbugso ng 80 kilometers per hour.
Inaasahang magdadala ng pag-ulan sa bansa ang tropical storm Fabian.
Ayon sa Pagasa, inaasahang lalabas sa Philippine Area of responsibility ang tropical storm Fabian sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.
Kikilos ang tropical storm Fabian sa southern portion ng Ryukyu Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.