1.5 milyong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas

By Chona Yu July 17, 2021 - 04:49 PM

Pumalo na sa mahigit 1.5 milyong kaso ng COVID-19 ang naitatala sa Pilipinas.

Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, 6,040 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw, July 17.

Aabot sa 112 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 26,598 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Umabot naman sa 1.428 milyon ang gumaling sa naturang sakit.

Ayon sa DOH, nasa 47,257 ang aktibong kaso ng COVID-19.

Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na mag-ingat sa naturang sakit.

 

TAGS: 1.5 milyong kaso, COVID-19, department of health, 1.5 milyong kaso, COVID-19, department of health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.