Dumating na sa bansa ang 1.6 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng kompanyang Johnson & Johnson.
Nabatid na donasyon ito ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.
Dumating ang second batch ng bakuna kaninang 4:00 ng hapon, July 17 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sakay ng Emirates flight EK 0332.
Dahil dito, nakumpleto na ng Amerika ang 3.2 milyong doses na donasyon sa Pilipinas.
Magagamit ang Johnson & Johnson bilang single shot vaccine sa mga nag-eedad ng 18 anyos pataas.
READ NEXT
DAR pinabilis ang proseso sa pag-isyu ng mga clearance para sa paglipat ng mga pribadong lupang agrikultural
MOST READ
LATEST STORIES