1.5 milyong doses ng Sinovac vaccines dumating sa bansa

By Chona Yu July 17, 2021 - 11:24 AM

Aabot sa 1.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac ang dumating sa bansa kaninang 8:00 ng umaga, July 17.

Sakay ng Cebu Pacific flight 5J671 ang mga bakuna na galing ng Beijing at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Nabatid na binili ng gobyerno ang mga bakuna.

Agad namang ilalagay ang mga bagong dating na bakuna sa cold storage facility sa Marikina City.

Nabatid na ipamamahagi rin ito sa mga local government units sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

 

TAGS: Beijing, COVID-19, NAIA, Sinovac vaccines, Beijing, COVID-19, NAIA, Sinovac vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.