Bahay Kanlungan para sa mga inabandonang matatanda binuksan sa Valenzuela City

By Chona Yu July 17, 2021 - 11:18 AM

(Courtesy: Mayor Rex Gatchalian)

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang bagong Bahay Kanlungan sa Barangay Maysan, Valenzuela City.

Ito ang tatlong palapag na tahanan ng mga inabandonang senior citizens.

Ayon sa Facebook post ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, binuksan ang Bahay Kanlungan kasabay ng ika-152 birthday anniversary ng Filipino hero na si Dr. Pio Valenzuela.

Aabot sa P53 milyon ang inilaang pondo para sa naturang proyekto.

May kakayahan ang Bahay Kanlungan na mag-accommodate ng 75 na senior citizens.

Ito na ang ikatlong pasilidad sa Valenzuela City na inilaan para sa vulnerable sectors.

Una ay ang Bahay Kalinga na nakalaan para sa mga pinabayaan at inabusong mga bata, ikalawa ang Bahay Pag-asa na nakalaan para sa juvenile offenders at ang ikatlo ay ang Bahay Kanlungan para sa mga inabandonang matatanda.

Ayon kay Mayor Gatchalian, ginawa nilang “homey” ang desinyo ng Bahay Kanlungan para maging komportable ang mga matatanda.

Mayroon ding nutritionist ang Bahay Kanlungan.

 

 

TAGS: Bahay Kalinga, Bahay Kanlungan, Bahay Pag-asa, rex gatchalian, senior citizen, Valenzuela City, Bahay Kalinga, Bahay Kanlungan, Bahay Pag-asa, rex gatchalian, senior citizen, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.