Hinihimok ni Senador Bong Go ang publiko na makipagtulungan sa anti-corruption drive ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Go, hindi maikakaila na malaki na ang naging improvement sa pagsugpo sa korupsyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Go, dapat na ipagbigay alam kung mayroong nalalamang katiwalian sa gobyerno.
“Naniniwala po ako na mayroong improvement po at talagang seryoso po ang ating mahal na Pangulo na sugpuin po ‘yun dahil siya po mismo nagiging halimbawa po siya sa Pilipino. Diyan, matagal kami sa Malacanang, totoo ‘yung sinabi niya ni piso po, any government transaction, hindi po nakikialam si Pangulong Duterte at hindi po kami nakikialam,” pahayag ni Go.
Matatandaang naghain na ng resolusyon si Senador Manny Pacquiao para paimbestigahan ang umanoý P10 bilyong pondo ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.
“Handa po kaming makinig sa inyo with confidentiality po, kung hindi niyo po isusumbong at hindi po kayo makikipag cooperate sa ating mga otoridad, eh wala pong mangyayari,” pahayag ni Go.
Welcome para kay Go ang hirit ni Pacquiao na imbestigahan ang DSWD.
“I welcome any investigation po para lumabas po ang katotohanan. Kasama tayo diyan para labanan ang korapsyon sa gobyerno kung mayro’n man po,” pahayag ni Go.