P3.5 milyong halaga na smuggled na sigarilyo nasabat sa Zamboanga

By Chona Yu July 17, 2021 - 08:39 AM

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P3.5 milyong halaga ng mga smuggled na sigrailyo.

Ayon sa BOC, nakumpiska ang mga smuggled na sigrailyo sa Manalipi Island sa Zamboanga City.

Nabatid na nagsagawa ng seaborne patrol ang pinagsanib na puwera ng BOC, Philippine National Police, Philippine Coast Guard at iba pang sangay ng pamahalaan at naharang ang isang motorized wooden watercraft na may dalang sigarilyo.

Patungo sana ang bangka sa Zamboanga.

Nakumpiska sa apat na crew ng bangka ang 100 master cases ng King Perfect cigarettes na nagkakahalaga ng P3.5 milyon.

Nabatid na walang kaukulang dokumento ang mga sigarilyo.

 

TAGS: BOC, Manalipi Island, smuggled cigarettes, Zamboanga, BOC, Manalipi Island, smuggled cigarettes, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.