Pinawi ng Department of Education (DepEd) ang mga pangamba ukol sa pagpapatuloy ng Senior High School Voucher Program para sa mga Grade 11 completers.
Pagtitiyak ng kagawaran na patuloy na ipapatupad ang iba pang mga programa ng Government Assistance and Subsidies hanggang may pondo.
Awtomatiko namang kuwalipikado sa programa ang mga nagtapos ng Grade 10 sa mga pampublikong paaralan at sa state colleges and universities, gayundin sa local universities and colleges.
Kuwalipikado din sa voucher program ang mga nagtapos ng Grade 10 sa private schools na Education Service Contracting (ESC) grantees.
Maari din maging benepisaryo ang mga nagtapos sa private schools na hindi grantees ng ESC kapag nakatanggap ng karagdagang pondo para sa programa mula sa Department of Budget and Management.
Ayon sa DepEd, nakikipag-ugnayan na rin sila sa ibang ahensiya para sa kinakailangan na karagdagang pondo.