Sen. Pangilinan pinaiimbestigahan ang epekto sa mangingisdang Filipino ng pagpasok ng China sa WPS
Hiniling ni Senator Francis Pangilinan na imbestigahan ng Senate Committee on Agriculture ang epekto sa mga mangingisdang Filipino ng mga aktibidades ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Sa kanyang Senate Resolution No. 777, iginiit ni Pangilinan na napakahalaga na malaman kung napoprotektahan pa rin ang karapatan at kabuhayan ng mga mangingisdang Filipino, gayundin ang seguridad ng pagkain sa bansa.
“Pagkain at kabuhayan ang usapin dito kaya dapat listo sa pagprotekta at pagdepensa,” dagdag pa ng senador.
Nanawagan din ito sa gobyerno na igiit sa China ang sobereniya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtindig sa panalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration noong 2016.
“Government must stand up to China’s aggression, with the welfare of our people at the forefront of every policy and decision. Dapat protektahan ang ating mga kababayan at itaguyod ang ating pambansang interes,” diin ni Pangilinan.
Puna nito, makalipas ang limang taon ay tila mas tumindi pa ang presensiya ng China sa kinikilalang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.