Inaprubahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mahigit P5 bilyong pondo para sa konstruksyon ng tatlong modernong pampublikong paaralan.
Sa ikatlong State of the City Address, sinabi ni Mayor Isko na mahalaga pa ring gawing prayoridad ang edukasyon kahit may pandemya sa COVID-19.
“Manila remains the education capital of the Philippines. As we believe in ‘Education for All’, Manila schools are open to children wherever they live,” pahayag ni Mayor Isko.
Sa ilalim ng educational plan ng lungsod, P2 bilyon ang ilalaan para sa konstruksyon ng Dr. Alejandro Albert Elementary School, P1.9 bilyon para sa konstruksyon ng Rosauro Almario Elementary School at P1.3 bilyon para sa konstruksyon ng Manila Science High School.
“This is so because admission should not be based on a learner’s postal Zip code. For as long as student has the zeal to learn, they can, in Manila,” pahayag ni Mayor Isko.
Aabot sa 137,217 tablets na may SIM cards ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa public school students mula Kinder hanggang Senior High School, habang 11,000 laptops ang ipinamigay naman sa mga guro.
Para naman sa susunod na pasukan ng klase, inaprubahan na rin ni Mayor Isko ang pagbili ng karagdagang 60,820 na piraso ng tablets para sa mga bagong enroll na mga estudyante.
Naglaan na rin ang lokal na pamahalaan ng P120,600,000 na pondo para sa apat na buwan na internet data para sa 201,000 na K-12 students, at P5 milyon para sa training ng mga guro.
“A standby fund worth P60,532,256.37 was also made in case there will be an increase in enrollment in Manila’s public schools,” pahayag ni Mayor Isko.