Pagsasaayos ng DPWH sa ilang kalsada sa EDSA, ipagpapatuloy
Abiso sa mga motorista.
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road reblocking activities sa bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na aprubado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road repair bandang 11, Biyernes ng gabi, July 16.
Sa ilalim ng implementasyon ng DPWH Metro Manila 3rd District Engineering Office (DEO), sakop ng repair activities sa EDSA ang southbound direction bago ang Mariano Street, ikalawang lane mula sa sidewalk sa Caloocan City.
Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga posibleng alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa nasabing kalsada.
Muli namang bubuksan ang apektadong kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw, July 19, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.