Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 189,747,735 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 34,887,155 cases.
Sumunod na rito ang India na may 31,026,829 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 19,262,518 naman ang kaso sa Brazil habang 5,882,295 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 5,833,341
– Turkey – 5,507,455
– United Kingdom – 5,281,098
– Argentina – 4,719,952
– Colombia – 4,583,442
– Italy – 4,278,319
– Spain – 4,069,162
– Germany – 3,748,367
– Iran – 3,464,055
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,083,235 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 173,164,332 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.