Iloilo, Cagayan de Oro at Gingoog isinailalim sa ECQ hanggang sa July 31
Lalo pang hinigpitan ng Inter-Agency Task Force ang quarantine classification sa ilang lugar dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa Modified Enhanced Community Quarantine, isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Iloilo Province at Iloilo City hanggang sa July 31, 2021.
Ipatutupad din ang ECQ sa Cagayan de Oro at Gingoog City sa Misamis Oriental hanggang sa katapusan ng Hulyo.
Pinalawig naman ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions classification ang Antique mula July 22, 2021 hanggang July 31, 2021.
Isinailaliim naman ang Misamis Oriental sa GCQ with heightened restrictions hanggang July 31, 2021.
“The reclassification was made upon the recommendations of the Department of Health, its Technical Advisory Group, and the Technical Working Group on COVID-19 Variants,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.