46th season ng PBA pinayagan na ng IATF

By Chona Yu July 16, 2021 - 12:01 PM

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hiling ng Philippine Basketball Association na makapg-umpisa ng kanilang 46th season.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na mahigpit na sumunod sa safety protocols na itinakda ng Games and Amusement Board para makaiwas sa COVID-19.

Ayon kay Roque, inaprubahan din ng IATF ang hiling ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict para makapagsagawa ng nationwide Bike for Peace and Justice.

Pero ayon kay Roque, gagawin lamang ito sa mmga lugar na nasa Modified General Community Quarantine at General Community Quarantine.

Inaprubahan din ng IATF ang hiling ng Philippine National Volleyball Federation na makapag-host ng 21st Asian Seniors Women’s Volleyball Championship.

 

 

TAGS: 46th season, Harry Roque, IATF, PBA, 46th season, Harry Roque, IATF, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.