1.15 milyong doses ng AstraZeneca vaccines dumating sa bansa

 

Mahigit sa 1.15 milyong doses ng COVID-19 na gawa ng AstraZeneca ang dumating sa bansa kaninang umaga, July 16.

Dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, ito ang unang batch ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor.

Sinabi pa ni Concepcion, na sa buwan Agosto, karagdagang 1.17 million doses darating ang ikalawang batch ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor.

Read more...