Pamilyang Duterte gahaman sa kapangyarihan ayon sa Bayan Muna

By Chona Yu July 16, 2021 - 10:49 AM

 

Tinuring ng grupong Bayan Muna na pagiging gahaman ang niluluto ng administrasyon na Duterte-Duterte tandem sa 2022 national election, giit ng grupo  hindi lamang ito political dynasty bagkus ay isa nang monarchy. Kinastigo ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang pagpapalusot at pagpapa-ikot sa batas na ginagawa ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte nang sabihin ng tagapagsalita nito na si Anthony del Rosario na hindi maituturing na political dynasty kahit pa man  tumakbo at mahalal na Pangulo at Pangalawang Pangulo ang mag-amang Duterte sa May 2022 election. “Del Rosario is interpreting the term political dynasty as something detached from the Constitution to justify their utter disregard for that important provision.Sinusubukan ni Del Rosario na palusutan ang konsepto ng pagbabawal sa dinastiya sa pagsasabi na may eleksyon naman at may kalayaan naman ang mamamayan na pumili.Itong ginagawa ng pamilyang Duterte na pangungunyapit sa poder sa pamamagitan ng paghawak sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ay pagtatangka na magpataw ng isang pampulitikang dinastiya. Higit pa nga yata sa dinastiya ang gusto nila, it looks as if they are trying to establish a monarchy, passing on and expanding their power by bastardizing our elections,” paliwanag ni Gaite. Iginiit ni Gaite na malinaw sa batas ang pagbabawal sa isang Pangulo na maghangad ng top executive position matapos ang kanyang termino at ikalawa ay pagbabawal sa political dynasties. “The Duterte family would be brazenly violating several provisions of the Philippine Constitution if they push for this Duterte-Duterte tandem. Obviously, this family is willing to throw away our Constitution in the trash just to remain in power. Is this the kind of leadership that we want? Pamumunong walang respeto sa Saligang Batas, pamumunong ganid sa kapangyarihan?” giit pa ni Gaite. Una nang sinabi ni Atty. Howard Calleja, convenor ng 1Sambayanan na irereject ng mga Filipino ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections dahil malinaw na ito ay pag-iinsulto sa mga Filipino. “We feel that this is an insult to the Filipino people; and we feel that whatever happens, we trust the Filipino people will see this as a selfish move – nothing to the benefit of the people, but only to perpetuate power to one family,” nauna nang paliwanag ni Calleja. Ang mga Duterte ay nasa kapangyarihan sa Davao mula pa noong dekada 80s, si Pangulong Duterte ay naging Alkalde sa loob ng 22 taon bago ipinasa ang pwesto sa kanyang anak at ganitong stratehiya din ang nais na gawin sa pagbaba sa pwesto sa 2022. “Sa totoo lang, matagal na nilang nilalabag yang prohibisyon sa dynastiya sa lokal na antas.”pagtatapos pa ni Gaite. Una na ding minaliit ni 1Sambayan Convenor Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang lumabas na Pulse Asia Survey na nagpapakitang nangunguna sa Presidential at Vice Presidential race ang mag-amang Duterte, paliwanag ni Carpio, kung babalikan ang dating mga resulta ng maagang survey ay hindi nanalo ang survey frontrunners, ang tunay na survey umano ay maaaring makita sa Marso, o ilan buwan bago ang May 2022 election.

TAGS: Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, gahaman, Mayor Sara Duterte, monarchy, political dynasty, Rodrigo Duterte, Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, gahaman, Mayor Sara Duterte, monarchy, political dynasty, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.