Pfizer vaccines ng Muntinlupa LGU nasayang dahil sa pagbabago sa ‘storage temperature’

By Jan Escosio July 15, 2021 - 09:25 PM

Sinuspindi ng pamahalaang-lungsod ang pagpababakuna sa Festival Mall vaccination hub matapos madiskubre na hindi na maaring iturok ang dapat na gagamiting Pfizer vaccines.

 

Ang pagbabago ng temperatura sa storage facility ang ibinigay na dahilan ng  pamahalaang-lungsod sa desisyon na huwag nang iturok ang mga hindi pa mabatid na bilang ng Pfizer doses.

 

Ipinalagay na naapektuhan na ang kalidad ng bakuna at para na rin sa kaligtasan ng babakunahan.

 

Naiparating na sa DOH ang pangyayari at ang kagawaran ay wala pa rin maibigay na karagdagang detalye hinggil sa pangyayari.

 

Humingi na rin ng paumanhin ang lokal na pamahalaan sa mga naapektuhan, mga dapat tuturukan ng second dose.

 

Pagtitiyak naman na mababakunahan pa rin ng second dose ang mga naapektuhan ng pangyayari sa takdang panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.