Panibagong LPA, nabuo sa loob ng bansa; Habagat umiiral sa Southern Luzon, Visayas
May nabuong Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa layong 140 kilometers Northwest ng Laoag City dakong 3:00 ng hapon.
Magdadala ang sama ng panahon ng makulimlim na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Ilocos region, Abra at Benguet.
Malabo aniyang maging bagyo ang LPA at kikilos sa direksyong Kanluran papalayo sa kalupaan ng bansa.
Samantala, patuloy na binabantayan ng weather bureau ang isa pang LPA na nasa labas ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,470 kilometers Silangan ng Northern Luzon.
Maaring pumasok ng PAR ang LPA sa susunod na anim hanggang 12 oras.
Ayon pa kay Rojas, posibleng lumakas ang LPA at maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 oras.
Oras na maging bagyo ang naturang sama ng panahon, tatawigin itong Fabian.
Sa ngayon, naaapektuhan na ng Southwest Monsoon o Habagat ang Kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.
Bunsod nito, asahan aniya ang kalat-kalat na katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Palawan hanggang Huwebes ng gabi.
Sa natitirang bahagi ng bansa, posibleng makaranas ng mahihinang pag-ulan dulot ng thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.