Tinupok ng apoy ang may 30 bahay sa Dagonoy, San Andres Bukid, Manila.
Ayon kay Fire Inspector Ernesto Wanawan Jr. ng Bureau of Fire Protection Sta. Ana Manila station, nagsimula ang sunog bandang 12:30 ng tanghali.
Itinaas sa ikatlong alarma ang sunog bandang 12:55 ng tanghali at naideklarang fire out ng 1:45 ng hapon.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng BFP, nagsimula ang sunog sa tahanan ni Marites Buco.
Tinatayang nasa P100,000 na halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.